naisipan ko na buksan ang mga luma kong mga messages sa luma kong e-mail account. (by the way, you can e-mail me at kangcanwrite@yahoo.com for whatever bits of inpspiration you can think of.)
naiyak ako- seryoso. parang naisip ko- saan kaya napunta ang mga magagandang araw na iyon? pati mga ka-cornyhan, secret codes, jokes, kulitan... basta maraming chechebureche... naroon lahat. tinanong ko sa sarili ko, nasan na kaya ang high school life ko? nandoon pala sa inbox ng lycos account ko :)
naisip ko sa mga sandaling pinagtatawanan ko ang mga bagay na ako si selphie tilmitt, flirt master, si jollibee, si kangers, si britney spears dahil sa linagyan ko ng maraming dyaryo ang hinahaparap ko dahil nagkaroon kami ng game sa school org namin (the assumption school newspaper i worked for my whole high school life was called fACets)... marami akong palayaw noong araw- ngunit ngayon dahil sa matagal na pagninilay,
nalaman ko'y ako si kang.
at hindi na mababalik ang mga araw na iyon kung saan ang pinoproblema ko ay ang aking academic probation sa algebra o ang porma ko sa susunod na soiree o interaction :)
saludo ako sa mga taong hanggang ngayon nariyan pa ang mga kaibigan at kaakibat noong sila ay bata pa... natutuwa talaga ako sa kanila. sila pa yata ang mga tao na atat mag-debut kung sila'y mag 18.
dahil ako- sa utak ko na lang rinerewind lahat ng masasayang araw ko. sa isip ko nga, noong mga araw na iyon- parang vhs player lang ako. tape per tape, pwede rewind, pwede fast forward. pero- kung nasa parehong time period lang tayo- alam niyo na walang "chapters" dyan.
sa dvd kasi diba, maayos ang pagkahanay-hanay ng mga chapters? kung gusto mo makita yung mga chapter na yun... pipiliin mo lang sa sub-menu, tapos pwede mo na panoorin magmula dun.
sorry... VHS lang ako.
aminado ako na nagsisisi ako dahil pinababayaan ko ang mga maliliit na bagay na importante sa mga kaibigan ko. pero- that was my choice, and i reckon that all of those forgetting and putting off has made me a bit depressed as i look at e-mails in my inbox.
i made a vow to reconnect to my old friends, it's gonna be hard... but i have to do what i think and feel would be worth it.
i plan gimiks now. text- and not wait to be texted. i do testimonials for my friends.
ang pagsisisi ay magtatapos ngayon.
oras na para tumayo- ihanda ang hinlalaki :)
kangy at 5/13/2006 08:37:00 PM |
permalink |
comments (0)
~~~~~