Tuskudrusla


Friday, May 19, 2006

funny and downright dumbfounding terms


as i leafed through my emails- again! i found these. . . treasures. these were sent by one of my cousins...

1. BAKTOL - ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. Ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. Ito'y dumidikit sa damit, at humahalo sa pawis. Madalas na naaamoy tuwing registration, lalo na sa mga general subjects gaya ng natsci, comm, socsci, etc, dahil sa sobrang siksikan ng mga estudyante.
"Put@n6 !n@, sinong nangangamoy BAKTOL sa inyo????!!!"

2. KUKURIKAPU - libag sa ilalim ng boobs. Madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. Maaari ding mamuo kung hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. Ang KUKURIKAPU ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang j0ga.
"Honey, maligo ka na kaya para maalis yang KUKURIKAPU mo!"

3. MULMUL - buhok sa gitna ng isang nunal. Mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal, subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito.
"How nice naman you r MULMUL!"

4. BURNIK - taeng sumabit sa buhok sa pwet. Madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. Ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito. Ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis.
"Labs, alam ko kung anong kinain mo kanina!!!"

5. ALPOMBRA - kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa Quiapo. Ito'y may makipot na suotan ng paa, at manipis na swelas. Mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mga lalaki. Available in blue, red, green, etc.

6. BAKOKANG - higanteng peklat. Ito'y madalas na dulot ng mga sugat na malaki. Imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito'y mayroong makintab na takip.

7. AGIHAP - libag na dumikit sa panty o brief dahil sa labis na pagmamahal sa suot panloob. Nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay nasuot na ng hindi bababa sa tatlong araw.

8. DUKIT - ito ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwit, ....try it to prove it. That's DUKIT!

9. SPONGKLONG - ito'y isang bagong wika ang nangangahulugan sa isang estupidong tao.
Ex. "Buti naman at bumaba na sa puwesto ang spongklong nating Presidente."

10. LAPONGGA - ito'y kahalintulad sa laplapan o kaya ay lamasan.
Ex. "Hoy Utoy, bakit ba ang hilig mo sa mga sineng puro lapongga lang ang palabas?"

11. WENEKLEK - ito ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito.
Ex. "Inay! Si Itay, sinaksak yung kapitbahay natin kasi hinila yung weneklek niya!"

12. BAKTUNG - pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.
Ex. "Uy Jefferson, tingnan mo si Ma'am, baktung na naman!"

13. bakti - bakat panty

14. asogue - buhok sa kilikili

15. barnakol - maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon.

16. bultokachi - tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag a ng isang malaking ebak

17. butuytuy - et!ts ng bata

18. jabarr - pawis ng katawan

19. kalamantutay - mabahong pangalan

20. mcarthur - taeng bumabalik after mong i-flush

------------>
that's pinoy! try cracking these up in a posh party or something, ampootcha, tingnan natin kung anong masasagot ng mga social climber na yan.

sitwasyon 1:
tao1: hey, i see the mulmol that used to be on your cheek's gone
tao2: mulwhat??!!!

sitwasyon 2:
tao1: MAAAYYYY MCCCAAAARRRTHHHHHUUURRRRRR INNNN DAAA WATTEERR CLOSSEET!
tao2: *dapat talaga di ko tinira yung oysters!*

sitwasyon 3:
tao1: *addressing a reed thin person with the nipples jutting out her dress* heya! BAKTUNG!
tao2: i beg your pardon????



kangy at 5/19/2006 11:26:00 PM | permalink | comments (0)


~~~~~